1 down… 4 to go.

Natupad na yung isa sa mga wish ko. Lalaban kami sa championship at agad agad bukas na yun ng umaga. Kaya magulo yung schedule namin ni Justine Anne. Ehh kasi may meeting pa COCC bukas. Kaya sana, wag sila agad agad magstart. Unfortunately, di makakaattend si PAPA JACK >.< Ehh kasi pupunta siya ng Laguna. Di kasi nila kagad sabihin kung kelan para maadjust yung schedule. Ayun. Sana naman makasama namin siya sa may party ganun. HAHA!

Panalangin ko ngayon..
  • Sana po manalo kami bukas vs. Sto. Rosario. Tapos umabot kami championship. Please talaga. Sana talaga. para makasama pa namin si Papa Jack.
  • Sana kahit di kami magchampion makapagouting kami. Syempre kasama pa din sana si Papa Jack.
  • Sana makaipon ako agad ng madami before June 16! <3
  • Sana matuloy yung mga plano namin.
  • Sana makaipon ako ng sobra para makabili na ng bola.

Please po talaga. Lalo na yung makaipon at makaabot sa championship! >.< Kahit di ako makalaro basta umabot kami championship! >.<

Si Papa Jack! :”“”>

Siya ang inspiration ng team namin. HAHAHA! Yun ang feeling ko. Ang gara lang ng picture namin. Parang ayaw namin magkadikit. Buti di nakunan jan, pinagbabato kaya nila ko ng towel o ano man. HAHAHA! Ehh ang ganda/gwapo niya eh. Tas napakagaling pang magbball. HAHAHA! Idol/Crush nga! HAHAHAHA! Ang kulit pa. HAHA! Sabi ko papicture, loko ba naman ehh pipicturan niya ako sa cp niya. Sayang! HAHA!

Dating gusto kita binabalewala mo ko tapos ngayon hahabol ka diyan? Kawalan mo din :P
Anonymous asked:
pareho tayo ng nararamdaman ate ako din parang op na sa mga nangyayare parang outcast .ayaw ko na nga rin pumasok sa pasukan eh parang gusto ko nang lumipat ganun. p.s. kilala mo ko

Talaga? Ohh baka dala ng bakasyon lang? Atsaka baka kasi di lang talaga natin alam yung nangyayari. O baka di tayo nakakasama. Close ba tayo?


Bakit Ganun?

Yung feeling na OP ka? Parang andami mong namiss na happenings. Ganun. Ewan ko ba. Bigla na lang akong natatahimik. Parang wala na lang ako ganun? Di ko alam. Pasalamat na lang ako kasi kahit anong problema ko. Suporta sakin yung mahal ko. Kahit papano alam kong may kakampi ako. Pasalamat ako’t pinaparamdam niya saking importante ako sa kanya.

Drama no? Ehh kasi bakit ganun? Di ko talaga alam. Pashare lang ha? :)

HAHAHA! Sinali kami ni Ate MJsa InterBrgy.! HAHAHA! Di ko lang alam kung makakalaro ako. Basta Brgy. Longos kami. HAHAHA! Volleyball nga pala yung laro!(Malamang. Pfft) Tas yun. Pinayagan na ko nun kaso ewan ko ngayon kasi uuwi “daddy” ko dito. Bukas siya uwi dito tas 11, alis na ulit siya. After pa nun, luluwas kami kasi fiesta sa malabon. Dun ATA maghahanda ng bday ate ko. Kaso gusto ko talaga maglaro. Sana kahit isang game makalaro ako! Experience ba kasi. Saya lang!

Reyna Channa and Haring Louies.

Naalala ko to. Isa kasi to sa mga naging topic namin nung nakila ange kami. Tinanong kasi nila kung ano ako nung nagsagala ako nun. Kako ehh yung Reyna Elena, tapos yung sumunod dun tas yung sumunod pa dun ako. HAHAHA! Parang ganto, Reyna Elena-Another title-Ako na.HAHAHA! Nakalimutan ko na kasi title ko ehh. Tas sabi ehh ano daw nakalagay sa arko ba yun? HAHAHA! Kako ehh pangalan namin ng kuya ko nilagay dun. Tas dun na sinabi yung ”Reyna Channa”,”Haring Louies” BOW! HAHAHA.

Nakakahiya O.o

Ehh kasi di pa ko naliligo. Natatamad nanaman ako. HAHAHA! As usual. Tas sabi ko kay ate pag papunta na bf niya sabihin sakin kasi maliligo na ko. Kanina, sinabi niya malapit na daw. Pero di pa din ako naliligo kasi naupo ako dito. Lakas talaga tama sakin ng tumblr. HAHAHA! Ehh ayun. Medyo nakakahiya na pero tinatamad pa din talaga ako. :/ What to do? HAHAHA! Pakapalan na lang talaga. Tas wala pa kong suot na **-. HAHAHA! Lagi naman ehh. NAKAKAHIYA! -.-

Si Ange! Sinurprise ako! HAHAHA! Sabi kasi ng papa ko, “Be, may surprise ako sayo.” Eh gumagawa ako Iced candy nun. Sabi ko, “Si bebe lang yan ehh!” Yung batang kapitbahay namin. Kala ko kasi yun. Kasi narinig ko tinawag niya. Tas maya maya pumasok tong si Ange! Napatayo ako habang may hawak na plastic. Tapos Niyakap ko siya mahigpit. Hiya naman ako sa puti niya pero mas mataas pa din ako sa kanya! Bwahahahahaha! Sana matuloy sila this week. Tutulong talaga ako maglinis sa bahay nila. Namiss ko kaya tumambay dun! Tsk. HAHAHAHA! Sumaglit lang siya. Kasi dumaan lang siya samin. Tsk.

Theme Urban v3 by Max Davis